Everything that has a beginning has an end....and every tadpole will become a frog.
Saturday, September 3, 2011
Sino ang Kakain ng Gardenia Bread?
Isang araw may isang inahing manok na nakakita ng isang butil ng trigo.
“Sino ang magtatanim ng butil ng trigo?” tanong ng inahin.
“Ayoko”, sagot ng bibe.
“Ayoko”, sagot ng pusa.
“Ayoko”, sagot ng aso.
“Kung gayon, ako ang magtatanim”, sabi ng inahing manok.
Tumubo ng malusog ang butil ng trigo hanggang ito’y mamunga at mahinog.
“Bibe, ikaw ang mag-ani ng trigo”, utos ng inahin.
“Ayoko”, sagot ng bibe.
“Ayoko”, sagot ng pusa.
“Ayoko”, sagot ng aso.
“Kung gayon, ako ang mag-aani,” wika ng inahing manok.
“Ngayon, sino ang mag-gigiik ng trigo?” tanong ng inahin.
“Ayoko”, sagot ng bibe.
“Ayoko”, sagot ng pusa.
“Ayoko”, sagot ng aso.
“Kung gayon,” malungkot na wika ng inahin, “ako ang mag-gigiik ng trigo.”
Nang magiik na ng inahin ang trigo, nagtanong siya.
“Sino ang magpapagiling ng trigo para maging arina?”
“Ayoko”, wika ng bibe.
“Ayoko”, wika ng pusa.
“Ayoko”, wika ng aso.
“Kung gayon,”, wika ng inahin, “ako ang magpapagiling ng trigo.”
“Ngayon, arina na ang trigo. Bibe gawin mo itong Gardenia Bread,” utos ng inahin.
“Ayoko”, sagot ng bibe.
“Ayoko”, sagot ng pusa.
“Ayoko”, sagot ng aso.
“Kung gayon,” wika ng inahin, “ako ang gagawa.”
Isang mahabang piraso ng tinapay ang nagawa ng inahin. Maya-maya, tinanong niya.
“Sino ang kakain ng Gardenia Bread?”
“Ako! Ako!” sigaw ng bibe.
“Ako ang kakain” sigaw ng pusa.
“Ako” sabi ng aso.
“Ano? Hindi! Bakit? Tumulong ba kayo?”
Tanong ng inahing manok sabay tawag sa kanyang mga sisiw.
Masayang pinagsaluhan ng inahing manok at ng kanyang mga sisiw ang Gardenia Bread. Habang nakatanaw ang bibe, pusa at aso. Ngayon, alam na nila ang halaga ng pagtutulungan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment